78 trak ng basura nakolekta sa Manila North at South Cemeteries

78 trak ng basura nakolekta sa Manila North at South Cemeteries

November 3, 2022 @ 1:16 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umabot sa kabuuang 78 trak o nasa 196 metriko tonelada ng basura ang nakolekta mula sa Manila North Cemetery at Manila South Cemetery sa kasagsagan ng “Undas” season o mula noong Oktubre 28 hanggang Nobyembre 2.

Ito ang sinabi ng Manila local government unit (LGU) nitong Huwebes, Nobyembre 3.

“The total volume of garbage collected during the celebration of Undas 2022 from October 28 to November 2, 2022 has increased as compared with the garbage collected last Undas 2019,” ayon sa ulat ng Manila Department of Public Services.

“This increase can be attributed to the additional garbage generated due to aftermath of Typhoon Paeng like fallen trees, leaves, etc.” dagdag pa nito.

Nitong Undas lamang ay umabot sa 425,000 katao ang dumalaw sa dalawang nabanggit na sementeryo. RNT/JGC