780K Pfizer vax dose lumapag na sa Pinas

780K Pfizer vax dose lumapag na sa Pinas

February 5, 2022 @ 8:39 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Lumapag na sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3  ang kabuuang 780,000 dose ng Pfizer COVID-19 vaccine na gagamitin para sa mga edada lima hanggang 11 kagabi, 9 P.M., Pebrero 4.

Sinabi naman ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ang vaccination roll out para sa nasabing age group ay aarangkada na sa Lunes, Pebrero 7.

 “Masaya kaming binabalita na matutuloy na ang ating rollout sa pagbabakuna para sa batang edad 5 hanggang 11 sa Lunes. Gusto ko pong siguraduhin ang ating mga magulang na ang mga bakunang ito ay ligtas at masusing pinag-aralan ng mga pinakamahusay sa buong mundo,” ani Galvez.

 Gayundin ay hinikayat nito ang mga magulang na iparehistro ang kanilang anak na mabakunahan laban sa COVID.

Maaalalang nauna nang iniusod ng gobyerno ang COVID vaccination dahil sa logistical challenges.

Isasagawa naman ang pagtuturok sa anim na vaccination site sa National Capital Region. RNT/FGDC