787 sapul ng dengue sa Region 2!

787 sapul ng dengue sa Region 2!

April 22, 2022 @ 7:55 AM 2 months ago


CAGAYAN VALLEY-Biglang lumubo ang bilang ng dengue cases mula sa ibat-ibang lalawigan sa boung rehiyon dos.

Ayon kay Health Education Promotion Officer 2 Pauline Atal ng DOH region 2, naitala ngayong taon ang 787 cases ng dengue na mas mataas sa mga naitalang kaso noong nakaraang taon na may 492% difference.

Nangunguna sa may pinamataas na kaso ng dengue ang Isabela na may 533 cases at isa ang nasawi; Cagayan na may 263 cases, isang ang nasawi; Nueva VIzcaya na may 103 cases; Quirino na may 46 cases at Batanes na may dalawang kaso.

Bilang tugon ay naghahanda ang DOH region 2 sa kanilang dengue prevention program kung saan nakapag-procure na ang kagawaran ng mas maraming insecticide para sa mga lugar na may clustering o may matataas na kaso.

Nais rin nilang magprocure ng mas maraming mosquito net na maaaring maipamahagi sa mga paaralan na may matataas na kaso.

Batay sa kanilang datos nasa 34% ng total cases ay kabilang sa one to ten age group.

Ang pangunahing dahilan sa pagdami ng mga tinatamaan ng dengue ay ang naranasang mga pag-ulan mula Enero hanggang ngayon buwan ng Abril.

Dahil dito, nanawagan ng nasabing ahensya sa mga barangay na maliban sa pagbabakuna mula COVID 19 ay dapat muling paigtingin ang tinatawag na 4S (Search and destroy, Seek early consultation, Self protection, at support fogging.

Kaalinsabay na ugaliing malinis at maaliwalas ang kapaligiran para mapuksa ang pinagpugaran ng nakakamatay na insekto. Rey Velasco