78K wanted persons huli sa 2022

78K wanted persons huli sa 2022

December 11, 2022 @ 11:56 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umabot sa mahigit 78,000 ang mga naarestong suspek na nasa wanted persons list ng Philippine National Police (PNP) sa nakalipas na 12 buwan.

Sa news release nitong Sabado, Disyembre 10, sinabi ni PNP chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr. na batay sa consolidated assessment report ng Directorate for Operations hanggang nitong Disyembre 7, kabuuang 78,293 na ang mga indibidwal na naaresto.

Kaugnay pa ng ulat, 2,440 miyembro ng communist terrorist groups ang sumuko sa mga awtoridad, 17 guerilla fronts ang nabuwag, at 1,133 armas ang nakumpiska o boluntaryong isinuko.

Dagdag pa ayon sa PNP, 32,441 ang nakumpiskang loose firearms samantala 9,724 indibidwal ang naaresto kasabay ng 4,930 kaso na inihain sa Korte.

Sa iba pang non-index crime cases, 3,135 ang naaresto sa illegal logging, 29,572 sa illegal fishing at 103,159 sa illegal gambling.

“I commend our hardworking PNP personnel who made each police operation successful. Indeed, this triumph only implies that PNP is performing what we promised to the President and the Filipino people. In my term as 28th Chief PNP, I will intensify more our police presence in the community to reduce crime, corruption, illegal drugs, insurgency, and terrorism as well as most wanted persons who are fugitives from justice and who continue to pose threats to peace and order in our country,” ani Azurin. RNT/JGC