79 pagyanig naitala sa Mt. Bulusan – Phivolcs

79 pagyanig naitala sa Mt. Bulusan – Phivolcs

October 15, 2022 @ 3:34 PM 2 months ago


LEGAZPI CITY – Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 79 volcanic earthquakes sa Mount Bulusan sa Sorsogon sa nakalipas na 24 oras.

Mas mababa ang datos na ito kumpara sa 164 volcanic earthquakes na naitala sa nakaraang monitoring period, batay sa Phivolcs.

Inihayag pa ng ahensya na nagbuga ang bulkan ng 279 tons ng sulfur dioxide nitong Setyembre 29 habang umabot ang moderate plume emissions nang 250 metrong taas, patungong southeast.

Itinaas ang Alert level 1 sa bulkan noong Oktubre 12, na nangangahulugan na may posibilidad ng sudden steam-driven o phreatic eruptions. 

Naitala sa Mount Bulusan ang phreatic eruptions noong Hunyo 5 at 12 na na bumalot sa ilang bayan sa abo. RNT/SA