790 lugar sa bansa naka-granular lockdown – PNP

790 lugar sa bansa naka-granular lockdown – PNP

January 26, 2022 @ 2:36 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Pumalo na sa 790 lugar  ang naka-granular lockdown sa bansa, batay sa Philippine National Police (PNP).

Sinabing apektado rito ang nasa 38,598 indibidwal.

Pinakamarami pa rin ang naka-granular lockdown sa Cordillera region na may 336; sinundan ng 195 sa Ilocos;164 sa Cagayan; 76 sa National Capital Region; at 19 sa MIMAROPA.

Habang upang matiyak naman na nasusunod ang minimum health standards, idineploy ng PNP ang 316 tauhan at 950 force multiplier sa mga apektadong lugar. RNT/FGDC