7K ‘gang 13K immunocompromised inaasahan sa unang araw ng 2nd booster dose vaccination – NVOC

7K ‘gang 13K immunocompromised inaasahan sa unang araw ng 2nd booster dose vaccination – NVOC

April 23, 2022 @ 3:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng National Vaccination Operations Center nitong Sabado na inaasahan nito ang halos 7,000 hanggang 13,000 immunocompromised individuals na magpapaturok ng ikalawang COVID-19 booster doses sa unang araw ng programa. 

“Sa first day, mga 7,000 to 13,000 ang nakikita nating magpapa-second booster na, at ikakasa natin sa buong bansa,” ani NVOC chairperson at Health Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje sa Laging Handa briefing.

Nauna nang ipahayag ng NVOC chairperson na sapat ang suplay ng COVID-19 vaccines para sa ikalawang booster shots ng mga immunocompromised.

Ayon kay Cabotaje, sa pagtataya ng Department of Health, nasa 690,000 immunocompromised individuals ang naturukan na ng ikatlong COVID-19 doses.

Samantala, tinatayang nasa 200,000 indibidwal kada araw ang nababakunahan laban sa COVID-19.

“If we maintain about 250,000 a day until the end of April, we will look at about 1.5 to 2-M [individuals]. Our current 67.4 million fully vaccinated individuals will reach around 69 million,” ani Cabotaje. RNT/SA