7K poll tarps sa mga puno sa Soccsksargen tinanggal ng DENR

7K poll tarps sa mga puno sa Soccsksargen tinanggal ng DENR

April 21, 2022 @ 3:24 PM 2 months ago


COTABATO CITY- Umabot sa kabuaang bilang na 7,229 na mga campaign material na nakapaskil sa mga puno ang inalis ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources – Soccsksargen (DENR-12) sa buong rehiyon, ayon sa isang opisyal nitong Huwebes.

Sinabi ni DENR-12 Director Felix S. Alicer na isinagawa nitong Miyerkules ang pagtatanggal sa mga campaign poster at paraphernalia na nakapaskil sa mga puno, at tinagurian din umanong “Oplan Baklas”.

“This was in close coordination with our partners, the Commission on Elections (Comelec), local government units, police and the Environmental Management Bureau (EMB) and Mines and Geosciences Bureau (MGB),” ayon kay Alicer.

He noted that the dismantled poll campaign materials were made of tarpaulin, plywood, and cloth streamers.

Batay sa mga ulat ng provincial DENR offices, inilahad ni Alicer na 717 illegal posters ang tinanggal sa mga puno sa North Cotabato, 256 sa Sarangani Province, 193 sa Sultan Kudarat, at 6,063 sa South Cotabato.

“There are designated common poster areas for the candidates, and the trees are not one of those. We have to spare the trees from these election materials since these trees provide various environmental benefits to us,” apela ni Alicer.

Dagdag pa niya, itinuturing na paglabag sa batas ang mga ganitong gawain.

Pinuri naman ni Alicer ang DENR-12 field offices at binigyang-diin ang pagsusulong ng “environmentally conscious” na national election campaign. RNT/SA