7M Pinoy target mabakunahan sa 2nd vax drive ng gov’t – DOH

7M Pinoy target mabakunahan sa 2nd vax drive ng gov’t – DOH

December 7, 2021 @ 3:37 PM 10 months ago


Manila, Philippines — Layunin ng gobyerno na makumpleto ang COVID vaccine dose ng pitong milyong Pilipino sa nakatakdang national vaccination drive sa Disyembre 15 hanggang 17, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

 “Ang tinatarget natin dito mga 7 million para sa second dose para maabot yung pinupuntiryang 54 million by end of the year na nabigyan ng kumpletong bakuna,” lahad pa nito sa Laging Handa public briefing.

Maaalalang unang inilunsad ang three-day vaccination drive noong Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 ngunit hindi naabot ang siyam na milyong target.  RNT/FGDC