7M voters pa magpaparehistro para sa 2022 election – Comelec  

7M voters pa magpaparehistro para sa 2022 election – Comelec  

August 26, 2020 @ 3:10 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inaasahang magpaparehistro pa ang apat hanggang pitong milyong botante para sa May 2022 national at local election, ayon sa Commission on Elections.

Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na ito ay dahil sa naudlot na pagpaparehistro dulot ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

“We don’t set targets per se in terms of how many people we are expecting to register, but this is where our ballpark is,” dagdag pa nito.

“We actually lost about four months of registration because we had to shutdown our offices when the whole quarantine started. So we are playing catch up,” paglalahad pa nito.

Base sa kanilang datos, 4 milyon sa mga magpaparehisto ay mga bagong botante.

“These are those who have turned 18 or will be turning 18 in time for the 2022 elections,” paliwanag pa ni Jimenez.

Matatandaang noong May 2019 midterm polls, aabot sa 61,843,771 ang naitalang registered voters sa buong bansa kung saan 22,083,529 dito ay mga kabataan.

Una nang inanunsyo ng Comelec ang pagbabalik ng voter registration sa Setyembre 1 sa mga lugar na isinailalim na sa general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...