8.2M COVID vax dose dumating na sa Pinas

8.2M COVID vax dose dumating na sa Pinas

December 15, 2021 @ 2:56 PM 9 months ago


Manila, Philippines – Dumating na sa bansa ang  8,247,200 pang dose ng coronavirus disease (COVID-19) kahapon, Disyembre 14.

Itinuring naman itong pinakamalaking bilang ng bakuna na dumating sa bansa mula noong Pebrero.

Ayon kay Vaccine czar Carlito Galvez Jr., 16 milyon pang bakuna ang darating ngayong linggo.

“We really thank the COVAX considering that almost all of the countries… of its members from the European Union and also from the United States have been donating vaccines. In behalf of the national government and President Rodrigo Roa Duterte, I would like to thank the international community, our international partners, and friends for giving us these much needed vaccines that we will be using for the second part of our national vaccination program.”

Ngayong araw rin ay umarangkada ang ikalawang bugso ng “Bayanihan, Bakunahan” National Vaccination Program na tatagal hanggang Disyembre 17. RNT/FGDC