BOC chief, intel director pumalag sa pagkakasangkot sa ‘agri smuggling’

June 29, 2022 @8:48 AM
Views:
4
MANILA, Philippines – Tahasang itinanggi ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) ang umano’y pagkakasangkot nila sa agricultural smuggling sa bansa.
Sa pahayag ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, itinanggi nito ang akusasyon sa pagkakasangkot nito sa agricultural smuggling na ibinatay sa “validated list” na kung saan umano ay una nang itinanggi ng mga ahensiyang nagpapatupad ng batas ang paglabas o pagsumite ng anumang Intelligence Report hinggil sa umano’y sangkot na mga opisyal ng BOC sa anumang smuggling activity.
Ang pahayag ni Guerrero ay matapos siyang pangalanan at ilang iba pang opisyal ng kawanihan bilang mga protektor at smuggler ng mga produktong agrikultura sa ulat ng Senate Committee of the Whole nitong Lunes.
Sinabi din ni Guerrero na ang hindi mabilang na accomplishment ng BOC sa kampanya nito laban sa agricultural smuggling ay binanggit ng Senado sa ulat nito.
“Among these recommendations we implemented are the strengthened inter-agency collaboration and data exchange of relevant information and documents such as the Inward Foreign Manifest, among others,” ani Guerrero.
Giit pa ni Guerrero, pinayagan nila ang mga kinatawan ng Department of Agriculture (DA) na makibahagi sa non-intrusive inspection ng mga container para matiyak ang ganap na “transparency” sa pagsusuri sa mga produktong pang-agrikultura.
“The BOC also offered DA to deputize its personnel for enforcement operations. We allocated more resources to enforcement assets through the procurement of 200 body-worn cameras, 20 units of fast patrol vessels, 60 advanced mobile X-ray machines, 16 Trace Detection Systems, and 100 rifles. Further, 199 new enforcement personnel were hired, and 40 were promoted in 2018,” ani Guerrero.
“In addition, 82 percent or 139 out of the 170 Customs processes are now automated to reduce human intervention that provides an avenue for negotiation. Continuous trainings are also conducted for our intelligence and enforcement agents in relation to technical capabilities in determining quality, description, and types of agricultural commodities,” dagdag pa ni Guerrero.
Dahil aniya sa kampanya ng BOC, nasa kabuuang P2.5 bilyon halaga ng smuggled na produktong agrikultura sa iba’t ibang daungan sa buong bansa mula 2016 hanggang Mayo 2022 ang kanilang nasamsam habang nasa kabuuang 111 na kasong kriminal ang naihain sa Department of Justice laban sa mga unscrupulous stakeholders. Gayundin, 84 na importer at customs broker na sangkot sa agricultural smuggling ang binawi sa kanilang akreditasyon noong 2019.
Samantala, itinanggi rin ni Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) director Jeoffrey Tacio ang mga paratang.
Iniulat din nito na mula 2019 hanggang sa kasalukuyan, may kabuuang 548 na seizure operations laban sa mga produktong pang-agrikultura na nagkakahalaga ng PHP2 bilyon, ang naitala ng BOC.
Bukod kina Guerrero at Tacio, ang iba pang opisyal ng BOC na tinukoy sa listahan ay sina Deputy Commissioner for Intelligence Group Raniel Ramiro; Deputy Commissioner Vener Baquiran ng Customs Revenue Collection Monitoring Group at abogadong si Yasser Abbas ng Customs Import and Assessment Service. Jay Reyes
P30B offshore patrol vessel deal tinintahan ng DND, SoKor firm

June 29, 2022 @8:34 AM
Views:
7
MANILA, Philippines – Tinintahan ng Department of National Defense (DND) at South Korean shipbuilder Hyundai Heavy Industries (HHI) ang P30 billion offshore patrol vessel (OPV) contract na naglalayong magbigay ng anim na OPVs sa Philippine Navy (PN).
Sa isang kalatas, sinabi ni Defense spokesperson Arsenio Andolong na nilagdaan nina Secretary Delfin Lorenzana at HHI vice chairperson at president Sam Hyun Ka ang nasabing kasunduan sa DND building sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
“The event was witnessed by South Korean Ambassador to the Philippines Kim In-cheol; General Andres Centino, Chief-of-Staff, Armed Forces of the Philippines; Rear Admiral Caesar Bernard N. Valencia, Acting Flag-Officer-In-Command, PN; and other DND, AFP, and HHI officials,” dagdag na pahayag nito.
Sinabi ni Andolong, ang OPV project ay naglalayong paghusayin ang maritime patrol capabilities ng PN at isama ang technology transfer, partikular na ang human engineering operators a maintenance training ng equipment, operations training, technical publications, at manuals.
“In addition to this is a design ownership, granting the PN license to manufacture/build using the OPV’s design for the exclusive use of the Philippine government,” dagdag na pahayag nito.
Ang OPV project ay prayoridad sa ilalim ng Second Horizon of the Revised AFP Modernization Program, na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong May 2018.
“The two sides also signed a lifetime service support contract for the sustainment of the two Jose Rizal guided-missile frigates now in service in the PN, ” ayon kay Andolong.
“These planned OPVs measure 94.4 meters long, 14.3 meters wide, and gave a displacement of 2,400 tons, maximum speed of 22 knots, cruising speed of 15 knots, and a range of 5,500 nautical miles,” aniya pa rin.
Ang paunang pondo para sa OPV project ng PN na umabot na sa P3 billion ay ipinalabas ng Department of Budget (DBM) noong Hunyo 16 sa ilalim ng Special Allotment Release Order (SARO)-BMD-D-22-0004970.
Nauna rito, sinabi ni Lorenzana na ang South Korean shipbuilder ay pinili ng technical working group (TWG) ng PN para sa proyekto.
Inaasahan naman na papalitan ng OPVs ang World War II surface assets na “decommissioned” ng PN. Kris Jose
VP ng Tsina ipadadala para sa inagurasyon ni PBBM

June 29, 2022 @8:21 AM
Views:
8
MANILA, Philippines – Ang pangalawang pinakamataas na opisyal ng China ay dadalo sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo 30 bilang isang “espesyal na kinatawan,” sabi ng Embahada ng Tsina sa Maynila noong Martes.
Sa impormasyon mula sa Chinese Foreign Ministry, sinabi ng embahada na ipinapadala ni Chinese President Xi Jinping ang kanyang vice president, si Wang Qishan, sa event.
“As the special representative for President Xi Jinping, Chinese Vice President Wang Qishan will attend the inauguration ceremony for the Philippines’ president-elect Ferdinand Marcos Jr on June 30: Chinese Foreign Ministry,” base sa mensahe ng embahada sa mga reporter.
Inaasahang dadalo ang mga dayuhang delegasyon sa inagurasyon ni Marcos sa Pambansang Museo sa Maynila.
Kabilang sa mga ito ay kinabibilangan ng United States Second Gentleman Douglas Emhoff, na itinalagang mamuno sa delegasyon ng Washington. RNT
Masayang piknik nauwi sa pagdadalamhati; 13-anyos, tigok sa ilog

June 29, 2022 @8:08 AM
Views:
21
ILOCOS SUR- Nauwi sa pagdadalamhati ang masayang piknik ng isang pamilya matapos malunod ang isa sa mga miyembro nito sa Amburayan River sa Brgy. Bio, Tagudin ng lalawigang ito kahapon.
Kinilala ang biktima na si Trisha Mae Garcia Alano, 13, 2nd year high school, residente ng Brgy. Cabugbugan, Tagudin, Ilocos Sur.
Ayon sa Tagudin Municipal Police Station, ang pamilya ng biktima ay nagpunta sa Amburayan River para magpiknik.
Nang mag-dive ang biktima para maligo, bigla itong hinatak ng malakas na kuryente o pressure ng tubig at dinala ito sa malalim na bahagi ng ilog.
Tinangkang iligtas ng kanyang mga kapamilya ang biktima at agad din silang humingi ng tulong sa MDRRMC Tagudin para hanapin ito pero hindi nila makita ang biktima.
Makalipas ang ilang minuto ay natagpuan nila ang biktima kaya agad nila itong isinugod sa ospital.
Gayunman, ang biktima ay ideneklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso
DOH: Requirements muna bago release ng COVID health benefits

June 29, 2022 @7:54 AM
Views:
20