8.6% Inflation rate sa Pebrero naitala

8.6% Inflation rate sa Pebrero naitala

March 7, 2023 @ 10:05 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Matapos ang ilang buwan na sunod-sunod na mataas na inflation, ay naitala ang bahagyang pagbagal ng pagtaas ng presyo ng pangunahing produkto sa bansa sa  8.6%, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Martes.

Ang data mula sa PSA ay nagpakita ng inflation sa 8.6% noong nakaraang buwan ay mas mabagal kaysa sa 8.7% na naitala noong Enero.

Ang inflation rate ng Pebrero ay nasa 8.5% hanggang 9.3% forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa buwan.

Ayon sa BSP, ang mga posibleng pagtaas ng pressure sa inflation ay kinabibilangan ng mas mataas na presyo ng LPG, at pagtaas ng presyo ng baboy, isda, itlog, at asukal. RNT