8.9M edad 12-17, fully vaxxed na

8.9M edad 12-17, fully vaxxed na

March 25, 2022 @ 6:24 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Nakakumpleto na ng bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) ang 8.9 milyong kabataan sa Pilipinas mula 12 hanggang 17-anyos, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Biyernes.

Ito ay batay sa datos noong Huwebes, ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Biyernes.

Kamakailan, sinabi ng DOH na target nilang mabakunahan ang 12 milyong kabataan edad 12 hanggang 17.

“Kaya naman po para sa ating mga magulang o legal guardians, pakidala na po ang ating mga kabataan sa ating mga bakunahan para mabigyan na po sila ng karagdagang proteksyon para sa COVID-19,” panawagan ni Vergeire. RNT/SA