8 anak, binebenta ng ina para pang-tsongki

8 anak, binebenta ng ina para pang-tsongki

August 15, 2022 @ 12:12 PM 2 months ago


RIO DE JANEIRO, Brazil – Ibinebenta ng isang ina ang kanyang mga anak para lang may pambili na masisinghot o malaklak na droga.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Marilza Medeiros da Conceicao, residente ng Sao Pedro da Aldea.

Nahuli na si Conceicao noong Agosto 2021 sa tangkang pagbebenta ng isang bata ngunit pinalaya ito.

Paglaya nito, nagpatuloy ito sa pagbebenta ngunit ang sarili na nitong mga anak ang ibinebenta sa halagang nasa P1,500 bawat isa.

Sa imbestigasyon, nakapagbenta na ito ng isa niyang anak noong Abril 2020 at nang madiskubre ito, kasamang sinampahan ng kaso ang nakabili na si Elizangela da Silva Pacheco.

Nahuli ang suspek nang muli nitong ibinebenta ang isa niyang anak na kasa-kasama niya.

Ngayon ay sinusuyod na ng pulisya ang iba pa niyang mga anak na nawawala mula sa kanyang poder.

Umamin na rin mismo ang suspek na pambili lang ng droga na kanyang nilalaklak o sinisinghot ang dahilan ng pagbebenta niya ng kanyang mga anak.  RNT/FC