8-anyos ginahasa, pinatay ng sariling ama

8-anyos ginahasa, pinatay ng sariling ama

January 22, 2022 @ 12:02 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Patay nang natagpuan ang 8-anyos na batang babae sa isang kanal sa barangay Dolores sa Taytay, Rizal.

Base sa Taytay Municipal Police Station, napansin lamang ng ilang residente ang masangsang na amoy sa kanilang lugar.

Kanila naman itong tinunton at dito nakita ang bangkay sa kanal.

Sinabing noong nakaraang linggo pa nawawala ang biktima.

Inimbitahan naman na ng pamunuan ng Taytay Police ang ama ng bata para sa inisyal na imbestigasyon.

Aminado ang ama na siya ang pumatay sa anak makaraang kanyang pagsamantalahan.

Kwento ng ama, nanlaban ang bata kung kaya’t ito ay kanyang sinakal.

Samantala, nakakulong na ang suspek na mahaharap sa kasong rape with homicide. RNT/FGDC