8 arestado sa ‘pusoy biyaya’

8 arestado sa ‘pusoy biyaya’

January 16, 2022 @ 9:32 AM 7 months ago


ILOCOS SUR- Arestado ang walong katao matapos silang maaktuhan ng mga otoridad na nagsusugal sa Brgy. Sawat, Tagudin ng lalawigang ito kahapon.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Teresita Leal Lucero, 68; Mayra Lorena Lopez, 30; Angelina Acosta Lopez, 33; Aida Navarro Andres, 42; Heidie Lorenzana Barnachea, 43; Gloria Lopez Agsaulio, 59; Arnulfo Macayan Agsaulio, 88; at Sharon Nang Del Castillo, 40; pawang mga residente ng naturang lugar.

Huling-huli sa  akto ang walong suspek na nagsusugal sa pamamagitan ng larong “pusoy biyaya”.

Nakumpiska mula sa kanila  ang dalawang set ng baraha at  bet money na P1,706.

Ang mga suspek pati na ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Tagudin Municipal Police Station para sa gagawin na tamang disposisyon. Rolando S. Gamoso