8 bayan kritikal, 48 high-risk sa COVID-19 sa Region 2

8 bayan kritikal, 48 high-risk sa COVID-19 sa Region 2

September 3, 2021 @ 10:15 AM 10 months ago


CAGAYAN VALLEY – Nasa kategorya ng ‘High Risk’ epidemic classification ang 46 bayan at 2 siyudad dahil sa walang humpay na paglobo ang bilang ng aktibong kaso sa nakalipas na dalawang linggo o mataas ang Average Daily Attack Rate dito sa boung Region 2.

Sa Isabela, kinabibilangan ito ng mga ng bayan ng San Pablo, Tumauini, Cabagan, Gamu, Ramon, Aurora, Jones, Cordon, Angadanan, San Manuel, San Mariano, Santa Maria, Quezon, San Agustin, Delfin Albano, Mallig, Cauayan City maging ang coastal town na Palanan ay nasa ‘High-Risk’ classification na rin.

Habang sa lalawigan ng Cagayan ay ang mga bayan naman ng Baggao, Aparri, Lal-lo, Alcala, Peñablanca, Ballesteros, Claveria, Iguig, Gattaran, Gonzaga, Amulung, Santa Ana, Buguey, Enrile, Piat, Sto. Niño, Sanchez Mira, Rizal, at Sta. Teresita.

Kasama rin ang mga bayan ng Aglipay, Cabarroguis,Saguday, Nagtipunan, at Diffun sa lalawigan ng Quirino at  mga bayan naman ng Solano, Bayombong, Bagabag, Aritao, at Sta. Fe sa Nueva Vizcaya.

Maliban dito, nasa ilalim naman ng critical risk epidemic ang mga bayan ng Cabatuan, Naguilian at Burgos sa Isabela; Tuao at Camalaniugan sa Cagayan; Maddela sa Quirino province at bayan ng Kasibu at Dupax Del Sur sa Nueva Vizcaya.

Ayon sa DOH, ang mga nabanggit na lugar ay nasa kategorya ng ‘Critical’ matapos makapagtala ang mga ito ng mataas na “growth change rate” sa kanilang mga aktibong kaso ng COVID-19.

Nananatili pa rin ang Tuguegarao City na may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa buong rehiyon.

Sa datos ng DOH Region 2 kasalukuyan, nasa 7, 282 ang aktibong kaso sa buong Cagayan Valley.

Paalala ng DOH na pangunahin sanang pairalin ang disiplina sa sarili maliban sa pagsusuot ng facemask, faceshield at pagsunod sa minimum health protocol. Rey Velasco