8 biktima ng crypto-trafficking sa Cambodia makakauwi na

8 biktima ng crypto-trafficking sa Cambodia makakauwi na

January 25, 2023 @ 6:51 PM 2 days ago


MANILA, Philippines – Makakauwi na sa bansa pagsapit ng Biyernes o Sabado, Enero 28 ang walong Filipino na biktima ng human trafficking sa Cambodia.

Ayon kay Philippine Embassy in Phnom Penh, Cambodia Minister at Consul General Emma Sarne, nakikipag-ugnayan na sila sa general department of intelligence para sa paglipat sa mga biktima sa embahada.

Sa oras na mailipat na, makakatanggap ang mga biktima ng welfare assistance at mapapauwi na rin sa bansa.

“We have the funds ready, we are just awaiting po and we are negotiating with the police po for their transfer to the embassy. Hopefully, within the week po,” ani Sarne kasabay ng pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.

“So, kung ma-release po sila today, which is Wednesday, hopefully by Friday or Saturday morning nasa Philippines na po sila,”dagdag pa niya.

Nanawagan naman si Hontiveros sa Department of Migrant Workers (DMW) na tulungan ang mga biktima ng human trafficking.

Tumugon naman dito si DMW Undersecretary Bernard Olalia at nagsabing nakahanda na ang reintegration services kabilang ang
psychosocial support at financial and livelihood assistance sa mga ito.

Matatandaan na kamakailan ay isiniwalat ang insidente kung saan may mga Pinoy na nabiktima ng human trafficking para gawing crypto-scammer sa Cambodia. RNT/JGC