8 durugista laglag sa binuwag na drug den

8 durugista laglag sa binuwag na drug den

February 24, 2023 @ 7:56 PM 4 weeks ago


Bulacan – Arestado ang walong hindi pinangalanang drug suspect matapos buwagin ang dalawang drug den sa magkahiwalay at magdamagang buy-bust operation ng pulisya sa lalawigang ito.

Sa report ni Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo, nangyari ang operasyon ng anti-drug operatives sa Brgy. Balayong, Malolos at San Martin IV, San Jose Del Monte.

Narekober sa magkahiwalay na operasyon ang 16 sachets na pinaghihinalaang shabu na may estimated value na P41,200, mga paraphernalia at marked money. Dick Mirasol III