8 durugista tiklo sa QC

8 durugista tiklo sa QC

November 17, 2020 @ 3:29 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tiklo ang walong katao na kinabibilangan ng dalawang babae matapos ang isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Quezon City Police District (QCPD) Talipapa Police Station 3 at Anonas Police Station 9 kaninang umaga sa nasabing lungsod.

Kinilala ni QCPD director P/Brig General Ronnie Montejo ang mga nadakip na sina Allan Lualhati, 38, Aristeo Duenas, 54, Ben Vicente, 25, Carlo Sunico, 51, Renato De Leon, 55, Rolando Apolonio, 58, Roselle Navalta, 35 at Jessica Domingo, 30.

Ayon kay Talipapa Police Station commander P/Lt. Jeffrey Bilaro, pasado 6:00 ng umaga nang isagawa ang drug operation sa 128 Narra St. Brgy. Amihan, Project 3, Q.C.

Isang pulis ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay rito na dinakma ang mga suspek.

Narekober mula sa mga naaresto ang sampung plastic sachet na naglalaman ng 20 grams ng shabu na may street value na P136,000, 2 improvised water pipe tooter, digital weighing scale at buy-bust money.

Nakapiit na ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5, 11, 13 & 14 ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Jan Sinocruz


  •  
  •  
  •  

Loading...