8 Finalist na kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino, aabangan na sa takilya!

8 Finalist na kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino, aabangan na sa takilya!

July 25, 2018 @ 12:05 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Inilabas na noong July 5, 2018 ang 8 finalist para sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino.

Inihayag ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño ang mga pelikulang kalahok sa taong ito sa darating na Agosto.

Narito ang listahan ng mga pasok sa PPP:

1. “Ang Babaeng Allergic sa Wifi”
Si Norma ay isang ordinaryong kabataang babae, at katulad ng mga ilang babae, ang buhay n’ya ay umiikot ang kanilang mundo sa teknolohiya. Hanggang sa isang araw, siya ay nadiagnosed sa sakit na “EHS” o “Electromagnetic Hyper-Sensitivity, isang unusual na sakit na nagiging allergy siya sa Wi-Fi, data signals, at iba pa. Kaya kinailangan n’yang lumipat sa probinsya kasama ang kaniyang lola at matuto siyang matuto ng mas simple na pamumuhay na magkakaroon ng impact sa relasyon nila ni Leo at ang pagkakaibigan nila ni Aries, kapatid ni Leo.
Directed by: Jun Robles Lana
Cast: Sue Ramirez, Jameson Blake at Markus Peterson

2. “Bakwit Boys”
Apat na magkakapatid na mas kilala na “Bakwit Boys” ay nagkaroon ng pagkakataon na maabot ang kanilang pangarap dahilan sa isang mayaman na babae na nakadiskubre ng kanilang mga talento sa larangan ng musika. Sinubok ang tatag ng pamilya habang inaabot nila ang kanilang mga pangarap.
Directed by: Jason Paul Laxamana
Cast: Vance Larena, Devon Seron, Nikko Natividad, Ryle Santiago at Mackie Empuerto

3. “Madilim ang Gabi”
Sinusubukang lisanin ni Sara at Lando ang nakaraan nila ukol sa kanilang krimen na karanasan. Nang umupo sa pwesto si President Rodrigo Duterte at inilunsad ang “War on Drugs”, napilitang balikan ng mag-asawa ang nakaraan dahilan sa pagkawala ng kanilang anak. Kahit nakasalalay ang kanilang buhay, gagawin nila ang lahat upang mahanap ang kanilang nawawalang anak.
Directed by: Adolfo Alix Jr.
Cast: Gina Alajar, Phillip Salvador, Bembol Roco, at Felix Roco

4. “Signal Rock”
Si Intoy, isang maligayang lalaki na naninirahan sa isang maliit na bayan, ay nagdesisyon na tulungan ang kaniyang kapatid sa Finland para maipanalo ang laban nito. Isinangkot nito ang taongbayan, ipineke niya ang mga dokumento at gumawa ng isang bogus para mapatunayan ang kapasidad na pinansiyal ng kapatid. Habang ginagawa niya ito, may hindi siya inaasahang malaman tungkol sa bayang iyon.
Directed by: Chito Roño
Cast: Christian Bables

5. “The Day After Valentines”
Si Kai (Jc Santos), ang lalaking naguguluhan sa buhay at pag-ibig ay nakilala si Lani (Bela Padilla), isang matatag at mapagkakatiwalaan na babae na tila ba ang lahat ng mga sagot sa hirap ng buhay ay nasa kaniya. Narealize ni Kai na si Lani ay kaya siyang tulungan dahilan sa taglay ni Lani na katalinuhan at magandang ugali, tinawag pa niya itong “Ms. Repairman”. Sa kanilang paglalakbay, matatagpuan kaya nila ang pag-ibig sa kanilang dalawa?
Directed by: Jason Paul Laxamana
Cast: Bela Padilla, JC Santos

6. “Pinay Beauty”
Si Migs na isang 32 years old, ay nakakilala ng isang ususero na si Tito Val sa park malapit sa Pasig River kung saan matatagpuan ang mga malalaking billboard, para maayos ang utang niyang 180k na utang niya para matulungan ang kaniyang girlfriend na si Annie. Si Annie ay gumawa ng isang kasiya-siyang plano para maiayos niya ang kaniyang sarili at matupad ang matagal na pangarap na maging Snow White sa Hong Kong Disneyland at maging isang prinsesa sa parade.
Directed by: Jay Abello
Cast: Edgar Allan Guzman, Chai Fonacier

7. “Unli Life”
Si Benedict, isang sikat na DJ ay isang overprotective na boyfriend sa kaniyang kasintahan na si Victoria. Hindi niya inakala na makikipaghiwalay ito sa gabi kung kailan niya aayain itong magpakasal. Dahil sa pagkasawi ni Benedict, natagpuan niya ang misteryosong bar na kung tawagin ay “Turning Point” kung saan ang bartender na si Sir Saro ay binigyan siya ng isang inumin na makapagbabalik sa kaniya sa nakaraan.
Directed by: Miko Livelo
Cast: Vhong Navarro, Winwyn Marquez, Joey Marquez

8. “We Will Not Die Tonight”
Si Kray, isang stuntwoman, isang babaeng naghahangad na maging aktres na tila ba hindi magkaroon ng pagkakataon sa kaniyang career at buhay. Ang tanging magagawa lamang niya ay manatiling matatag para makuha niya ang “Jackpot” isang araw. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari na naging daan sa matinding gulo, dito hahamunin ang kan’yang husay at mga prinsipyo.
Directed by: Richard Santos
Cast: Erich Gonzales, Alex Medina, Maxine Eigenmann at Paolo Paraiso

Ipapalabas lahat ang mga pelikula sa August 15 at tatakbo ito ng isang linggo hanggang August 21. (Remate News Team)