8 kulong sa Bicol buy-bust

8 kulong sa Bicol buy-bust

December 7, 2021 @ 1:51 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Kulong ang walong indibidwal dahil sa shanu sa ikinasang buy-bust sa tatlong probinsya sa Bicol.

May kabuuang 27 gramo ang nasabat dito na may katumbad na P100,000 street market.

Sa Naga City, Camarines Sur,  naaresto si Joseph Navarro, 22 sa pagbebenta ng shabu sa Barangay Pacol.

Huli rin ang high value target (HVT) drug peddler na si Ramil Anagao, 38 at Edgardo Reyes Jr.

Sa Pili, Camarines Sur, kulong sina Ronnie Delos Santos, 35 at John Jorge Portuguez, 23 na kapwa nakatira sa Barangay Calauag, Naga City.

Habang sa San Vicente sa Camarines Norte, nakulong din ang suspek na si Jommel Rosalinas, 28 na nakuhanan ng baril at shabu.

Hindi rin nakaligtas sa Sorsogon City ang naarestong HVT na si Geronimo Corral, 48 na miyembro ng Jetajobe Criminal Gang.

Mahaharap naman ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.  RNT/FGDC