8 lugar sa Baybay City, tinukoy na “danger zone”

8 lugar sa Baybay City, tinukoy na “danger zone”

April 29, 2022 @ 6:10 PM 2 months ago


TACLOBAN CITY – Walong barangay sa Baybay City ang natukoy na danger zone ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) regional office.

Kasunod ito ng ginawang assessment ng MGB sa mga nasabing lugar bilang tugon sa ulat mula sa mga residente hinggil sa mga Nakita nilang “visible tension cracks.”

Kabilang dito ang mga barangay ng Mailhi, Kantagnos, Bunga, Maypatag, Makinhas, Cagumay, Mag-aso, at Kan-ipa.

“Not all of these areas had occurrence of catastrophic landslide on April 10, but the presence of these cracks in steep slopes will surely trigger landslide if there is heavy rainfall,” ani MGB Eastern Visayas Regional Director Carlos Tayag.

Naisumite na ng MGB sa local na pamahalaan ang resulta ng kanilang assessement upang makapagpatupad ito ng “no dwelling zones.”

Sabi pa ni MGB regional chief geologist Celestina Carranza, nasa 50% ng land area sa lugar ang maikokonsiderang landslide-prone base sa kanilang pinakabagong geohazard map.

“There are several areas with manifestation of landslide. There are also minor landslides that may cause catastrophic landslides. We expect that to happen, but we don’t know when,”dagdag ni Carranza.

Anim na lugar naman sa Baybay ang tinukoy ng MGB na ligtas para malipatan ng mga maaapektuhang residente.

Kabilang dito ang Maganhan, Hibunawan, Bubon, Can-ipa, at dalawang lugar sa Ciabu.

Matatandaang isa ang Baybay City sa mga labis na hinagupit ng Bagyong Agaton kung saan hindi bababa sa 128 katao ang nasawi dahil sa landslide habang higit 100 ang nawawala. RNT/ JCM