8 lugar sa NCR naka-granular lockdown — Año

8 lugar sa NCR naka-granular lockdown — Año

December 7, 2021 @ 1:13 PM 10 months ago


Manila, Philippines — Naka-granular lockdown ang walo pang lugar sa Metro Manila, ayon kay  Interior Secretary Eduardo Año.

Sa briefing ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Año na apektado lamang dito ang 26 kabahayan at 70 indibidwal.

Bahagi naman ito ng 77 lugar sa bansa na kasalukuyang naka-granular lockdown kung saan apektado ang 99 kabahayan at 272 indibidwal.

 “Ibig sabihin nito ay epektibo ang ginagawa nating alert level system at patuloy na bumababa ang kaso ng ating COVID-19,” dagdag pa ni Año.  RNT/FGDC