8 magsasaka nasagip sa umapaw na ilog sa Apayao

8 magsasaka nasagip sa umapaw na ilog sa Apayao

December 11, 2022 @ 11:17 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasagip ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRM) ang walong magsasaka na naipit sa umapaw na ilog sa Apayao.

Ayon sa Pudtol Municipal Police Station (MPS), ang mga magsasaka ay pumunta sa sakahan ng mga ito sa Brgy. Alem para sana mag-ani ng tanim na gulay nang ma-trap dahil sa biglang pagtaas ng tubig sa Malunog river dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan.

Dahil dito ay nakatanggap ng tawag ang Pudtol MPS mula sa MDRRM na mayroon ngang walong magsasaka ang nastranded sa Purok 2 ng nasabing barangay.

Agad naman na tumugon dito ang pinagsanib na pwersa ng pulisya, MDRRMC at Bureau of Fire Protection. RNT/JGC