8 manggagawa timbog sa P200K paputok sa Bulacan

8 manggagawa timbog sa P200K paputok sa Bulacan

November 10, 2022 @ 6:28 PM 4 weeks ago


Bulacan- Arestado ang walong manggagawa na umanoy aktong gumagawa ng iligal na paputok na walang maipakitang permit sa operasyon ng pulisya sa bayan ng Bocaue.

Kinilala ang walong suspek na sina Orlando Dela Cruz, operator, Christian Abubo, Darell Prajes, Bladimir Salde, Rodel Alegria, John Kevin Alegria, Jojo Parrocha at Arnel Abubo, kapwa manggagawa ng paputok.

Sa report ng Bocaue police, ikinasa ang operasyon laban sa iligal na pagawaan ng paputok bandang 6:45 ng gabi nitong Nobyembre 9 sa Brgy. Biñang 1st.

Ayon sa report, walang maipakitang lisensiya o kaukulang permit ang mga suspek sa pulisa kaya sila inaresto.

Narekober sa operasyon ang 73 piraso ng Pagoding, 106 piraso ng Rambo pagoda, 92 piraso ng two layer Pagoda, 40 piraso ng layer pagoda, 50 piraso ng three layer ng Pagoda at 28 piraso ng four layer pagoda na may market value na P200,000.00 at mga paraphernalia.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang habang nakakulong sa naurang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III