8 MMFF entries, inanunsyo na!

8 MMFF entries, inanunsyo na!

October 21, 2022 @ 3:00 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Inihayag na ng pamunuan ng Metro Manila Film Festival o MMFF ang walong kalahok sa taunang kumpetisyon sa ika-48 nito.

Ayon sa pinuno ng selection committee na si Boots Anson-Rodrigo, masusi ang pagkakapili sa walong kalahok na may halo-halong tema.

Ang mga pinagbasehang criteria ay 40% artistic excellence, 40% commercial appeal, 10% Filipino cultural values at 10% global appeal.

This year’s message is Balik Saya sa MMFF.

Ang mga walong opisyal na MMFF entries ay ang mga sumusunod:

1. Deleter- Viva Films

2. Family Matters- Cineko Productions

3. Mamasapano Now It Can Be Told- Borracho Film Productions

4. My Father, Myself- 3: 16 Media Network

5. Labyu With An Accent- ABS-CBN Film Productions

6. Nananahimik Ang Gabi- Rein Entertainment

7. Partners In Crime- ABS- CBN Film Productions

8. My Teacher- Ten 17P

Idinaraos ang taunang festival mula December 25 hanggang January 7 ng sumunod na taon.

Ginaganap naman ang Gabi ng Parangal sa December 27.

Ang mensahe na Balik Saya ay upang maengganyo ang mga manonood na tangkilikin ang mga nasabing pelikula sa mga sinehang pinaglalabasan ng mga ito. Ronnie Carrasco III