8 nakaligtas sa nagliyab na barko

8 nakaligtas sa nagliyab na barko

July 16, 2022 @ 10:33 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nasunog ang isang barko sa bahagi ng katubigan ng Barangay Punta Engaño, Lapu-Lapu City Cebu madaling araw ng Sabado.

Sa paunang ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) ,nakatanggap ito ng distress call bandang alas-2 ng madaling araw hinggil sa nasusunog na MV Trans Asia 1.

Ang namang rumisponde ang Special Operations Group (SOG) teams ng PCG upang alalayan ang pitong crew na sakay ng barko at isang security guard.

Sa nakalap na impormasyon ng PCG, ang nasabing barko ay sumadsad sa gitna ng paghagupit ng bagyong Odette noong Disyembre 2021.

Sakay ang nasabing mga indibidwal upang masiguro na hindi mananakaw ang mga kagamitan at materyales sa barko.

Pero agad ding inabandona ng mga crew at sekyu ang barko nang maganap ang sunog.

Dalawa naman sa pitong crew members ang dinala sa malapit na Ospital para sa medical assistance.

Hindi pa batid ang sanhi ng sunog na hanggang ngayon ay inaalam pa ng PCG. Jocelyn Tabangcura-Domenden