8 National Artists, pinarangalan ng Senado

8 National Artists, pinarangalan ng Senado

September 29, 2022 @ 12:40 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kinikilala ang natatanging kontribusyon at paghahatid ng pagmamalaki at karangalan sa bansa, inaprubahan ng Senado ang pagpupugay sa walong National Artists na ginawaran ng Order of the National Artist (ONA) ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Inaprubahan ng Senado ang Senate Resolution No. 16 (Adopted Resolution No 22) na inisponsor ni Sen. Loren Legarda sa ginanap na plenaryo nitong Miyerkoles na ikinokonsidera ang SRNs 22 at 152 na inihain nina Senators Manuel “Lito” Lapid, Francis “Chiz” Escudero at Sonny Angara, ayon sa pagkakabanggit.

Nakilalala ng walong National Artists na sina Agnes Locsin for dance, Salvacion Lim-Higgins for design, Gemino Abad for literature, Fides Cuyugan-Asensio for music, Tony Mabesa for theater at Nora Aunor, Marilou Diaz-Abaya at Ricardo “Ricky” Lee for film at broadcast arts.

“Our National Artists with their passion and dedication to their craft have inspired and touched the lives of numerous Filipinos making their mark on our country’s history,” ayon sa resolution.

Nilikha ang ONA sa ilalim ng Proclamation no. 1001 (s. 1972) upang bigyang parangal ang ilang Filipino na may katangi-tanging tagumpay at di matatawarang kontribusyon sa Philippine Arts and Letters.

Noong June 10, 2022, iginawad ni Duterte ang ONA sa walong Filipino artists na kumikilala sa kanilang kahusayan sa kanya-kanyang larangan sa pamamagitan ng Proclamation no. 1390.

Naging awtor ang lahat ng miyembro ng Senado sa inaprubahang resolusyon. Ernie Reyes