8 NCR food firms nabigyan ng DOLE safety seal

8 NCR food firms nabigyan ng DOLE safety seal

July 28, 2021 @ 7:20 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na walong food firms sa ilalim ng San Miguel Corporation (SMC) group ang  nakasunod sa safety compliance makaraang gawaran sila ng safety seal sa awarding ceremony sa Pasig City.

Kabilang sa SMC  subsidiaries na matagumpay na bakakuha ng safety certification ay ang  San Miguel Foods, Inc.; Purefoods-Hormel Company Inc., Magnolia, Inc.; San Miguel Mills (head office at branch); Golden Bay Grain Terminal Corp.; San Miguel Food and Beverage, at San Miguel Super Coffeemix Co. Inc.

Pinuri naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang  SMC, at nagsasabi na nararapat itong kilalanin hindi lamang dahil sumusunod ito sa mga proteksyon sa kaligtasan ipinataw ng gobyerno  ngunit dahil din sa kapuri-puri na proseso ng pagtatrabaho.

 “Indeed, San Miguel Corporation’s safety compliance is truly commendable. However, it is more important to note that the company hires its employees directly and not from agencies,” ayon kay  labor secretary .

Pinasalamatan naman ni San Miguel Foods, Inc. Assistant Vice President at Head ng Human Resources Daniel De Castro  ang kahusayan ng  DOLE’s safety seal application process.

“The process was very easy. The [DOLE’s Bureau of Working Condition’s] website [that guides the application process] was both user- and reader-friendly. The application went smoothly, but it was also rigorous because the company had undergone assessments and onsite inspections,” paliwanag ni De Castro .

Naglagay din ang kompanya ng  handwashing spaces, foot baths, at plastic barriers sa mga pangunahing lugar sa kanilang tanggapan upang makasunod sa mga kinakailangan sa sertipikasyon.

Nagpapatupad din ang SMC ng mga hakbang sa kaligtasan patungo sa kaligtasan ng mga empleyado nito.

Ayon kay  San Miguel Foods, Inc. President Francisco Alejo III, halos 80 percent ngvSMC workforce ay bakunado na.

“Thirty percent of our employees also work from home to ensure that we can effectively practice social distancing in our workplace,” dagdag pa ng  food company chief .

Ang SMC ay isa sa pinakamalaki at ‘diversified conglomerates’ ng bansa na  may mga negosyo sa industriya ng pagkain at inumin, packaging, fuel at langis, kuryente , at industriya ng  imprastraktura.

Ipinakitansa huling datos ng  DOLE – Bureau of Working Conditions (BWC), na iginawad ng labor department  ang  110 safety certifications sa buong bansa , 14 rito ay mula sa  National Capital Region.

“The SMC group is the second food company to qualify for the certification, and we are looking forward to awarding more safety certificates in the coming weeks,” sinabi ni DOLE-NCR Director Sarah Buena Miraflor . Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •