8 NPA patay sa gutom sa Isabela

8 NPA patay sa gutom sa Isabela

September 4, 2022 @ 1:54 PM 1 month ago


MACONACON, ISABELA-Posibleng sa gutom ang sanhi ng pagkamatay ng walong miyembro ng New Peoples Army (NPA) o Communists Terrorist Group (CTG) na nahukay sa Barangy Canadam, Maconacon, Isabela.

Sa autopsy na isinagawa ni PLT.Col. Elizardo D Dailed, Medico-Legal Officer ng Santiago City Forensic Unit sa Maconacon Public Cemetery noong ika-9 ng Agosto na ang sanhi ng pagkamatay ng walong NPA ay ang pagkagutom dahil sa manipis at sobrang payat ng kanilang muscle.

Wala rin nakitang senyales ng matinding injury, fracture o gunshot wound sa katawan ng mga nahukay na bangkay.

Ang mga naturang bangkay ay nakilalang sina Alyas Monmon, Marco, Bryan, Eloy, Bambo, Rigid, Dondon at Brad kung saan ang dalawa rito ay dati nang tinutugis ng awtoridad dahil sa dami ng bilang ng krimeng nagawa.

Narekober ang walong bangkay dahil sa tulong ng mga dating rebelde na sumuko sa kasundaluhan na nakabase sa bayan ng Maconacon, Isabela na siyang nakakakilala sa mga ito.

Naging matagumpay ang pagkuha sa mga bangkay dahil sa pinagsanib na pwersa ng Maconacon PS, PIU, IPPO; 1st IPMFC; 201st MC- RMFB 2; 52MICO at 95IB, PA at 5CMOB.

Samantala, matandaan unang sumuko ang apat din rebelde sa Isabela dahil na rin sa kanilang naranasan gutom at hirap mamuhay sa kabundukan. Rey Velasco