8 opisyal ng PCG na-promote

8 opisyal ng PCG na-promote

February 26, 2021 @ 10:29 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Walong mga opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ang itinaas ng ranggo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa transmittal papers na pinadala ng Office of the President tanggapan ni Transportation Secretary noong Pebrero 15, 2021, kabilang sa inangat sa posisyon bilang mga Commodore ng PCG ay sina:

1) Commodore Luisito S Sibayan – Commander, Coast Guard Coast District Southeastern Mindanao

2) Commodore Roben N De Guzman – Director, National Operations Center for Oil Pollution

3) Commodore Inocencio C Rosario Jr – Commander, Coast Guard District North Eastern Mindanao

4) Commodore Agapito B Bibat – Commander, Coast Guard District Northern Mindanao

5) Commodore Allen J Dalangin – Deputy Chief of Coast Guard Staff for Intelligence

6) Commodore Ferdinan B Picar – Deputy Chief of Coast Guard Staff for Operations

7) Commodore Luz L Escarrilla – Commander, Coast Guard Civil Relations Service

8) Commodore Fran F Eden – Commander, Coast Guard Medical Service

Ang walo ay nakatakdang manumpa sa kanilang bagong posisyon sa punong tanggapan ng Coast Guard ngayong araw.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, dalawa sa bagong mga commodore ay babae kabilang sina Commodores Escarilla at Eden na kapwa mga doctors at frontliners.

Si Escarilla ay in charge  sa Task Force  Quarantine habang si Fran  ay head ng Task Force  RT PCR na in charge naman sa mga swabbers na dinideploy sa lahat ng  ports nationwide, airports para sa mga OFW at mobile  teams n a nagsasagawa ng RT PCR  sa hotels at quarantine facilities. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •