8 pang nasawi natukoy na ng  PAF C-130 crash

8 pang nasawi natukoy na ng  PAF C-130 crash

July 12, 2021 @ 6:46 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Tinukoy ng Armed Forces of the Philippines ang walo pang nasawing military personnel sa C-130 plane crash noong nakaraang linggo.

Umakyat na sa 28 ang bilang ng nasawing napangalanan.

Kinilala ang mga sumusunod na sina:

  • PFC Carlos Dapanas Jr. PA

  • PFC Keth Kane Alegarme PA

  • PFC Marchi Bonzales PA

  • PFC Philip Dante Camilosa PA

  • Cpl Jay-ar Obenita PA

  • Pvt Archie Barba PA

  • Pvt Carlos Jhun Paragua Jr. PA

  • TSg Nelson Hadjiri PA

Naipaalam na rin anila ito sa pamilya ng biktima.

“The AFP shall continue its utmost efforts in identifying the remaining cadavers. We will continue to coordinate with the PNP SOCO in order to ensure that they are promptly returned to their loved ones,” lahad ng AFP. RNT/FGDC