8 pang suspek sa Degamo ambush tinutugis na

8 pang suspek sa Degamo ambush tinutugis na

March 6, 2023 @ 3:23 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Tinutugis na ng mga awtoridad ang nasa anim hanggang walo pang suspek na sangkot sa pagpatay kay
Negros Oriental Gov. Roel Degamo sa Barangay San Isidro, Pamplona, nitong Sabado, Marso 4.

Ayon kay Police Lt. Col. Gerard Pelare, spokesperson ng Special Investigation Task Group Degamo, kabuuang 10 hanggang 12 suspek ang natukoy nila batay na rin sa pahayag ng mga saksi at video footage na nakuhanan ang pagpatay.

“We have 10-12 suspects, na account na natin ‘yung 4 (we have accounted for 4). This is still an open investigation,” sinabi ni Pelare sa panayam ng ABSCBN.

“These are hardened criminals well prepared to do this crime. Their intention really was to overcome the security,” dagdag pa niya.

Nitong Sabado, pinagbabaril-patay si Degamo kasama ang walo iba pang nadamay sa pamamaril habang humaharap ang gobernador sa mga nasasakupan nito, sa kanyang bahay.

Labing-pitong katao naman kabilang ang isang doktor at dalawang sundalo ang sugatan. RNT/JGC