8 patay, 53 kaso ng leptospirosis naitala sa E. Visayas – DOH

8 patay, 53 kaso ng leptospirosis naitala sa E. Visayas – DOH

June 2, 2022 @ 9:14 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nag-ulat ang Department of Health (DOH) sa Eastern Visayas ng 53 kaso ng leptospirosis mula Enero 1 hanggang Mayo 29.

Sa 53 indibidwal na ito, walo ang namatay, ayon kay Jelyn Malibago, ang regional information officer ng DOH, noong Miyerkules (Hunyo 1).

“We expect more cases of leptospirosis as the rainy season begins,” sabi ni Malibago

Hinikayat ng opisyal ang publiko na huwag lumusong sa mga lugar na binaha para maiwasan nila ang pagkakaroon ng bacteria na pangunahing dulot ng ihi ng mga hayop tulad ng mga daga.

Pinayuhan din ang publiko na magsuot ng boots at gloves kapag lulusong sa baha, alisan ng tubig ang posibleng kontaminadong tubig; kontrolin ang mga daga sa bahay sa pamamagitan ng paggamit ng mga bitag o lason; at panatilihin ang kalinisan.

Sa 53 kaso, 22 ay mula sa Leyte; 10 mula sa Samar; tig-pito mula sa Southern Leyte at Eastern Samar; Samar; pito mula sa Southern Leyte; lima mula sa Northern Samar; at dalawa mula sa Biliran.

Ang tatlong nasawi dahil sa leptospirosis sa Leyte ay mula sa Tacloban City, Abuyog, at Hilongos; dalawang nasawi mula sa bayan ng Padre Burgos at Hinunangan sa Southern Leyte; dalawang nasawi mula Basey at Catbalogan City sa Samar; at isa mula Maydolong town sa Eastern Samar.

Kabilang sa mga sintomas ng mga nahawahan ng leptospirosis ay ang mataas na lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan at tiyan, at pagsusuka.

Ang leptospirosis ay pumapasok sa katawan ng tao sa pamamagitan ng mga hiwa sa balat o sa pamamagitan ng mga mata, ilong, at bibig. Jocelyn Tabangcura-Domenden