8 patay sa landslide sa Malaysia

8 patay sa landslide sa Malaysia

December 16, 2022 @ 6:16 PM 2 months ago


MALAYSIA – Umabot na sa walo ang nasawi sa nangyaring landslide sa isang campsite sa Malaysia.

Kinumpirma ito ng opisyal nitong Biyernes, Disyembre 16 maliban pa ang dose-dosenang nawawala at patuloy na pinaghahanap.

Ayon sa National Disaster Management Agency, pitong indibidwal ang nasaktan sa nangyaring landslide sa Batang Kali, bayan na nasa labas ng Kuala Lumpur at malapit sa isang mountain casino resort.

Karaniwan ang malalakas na pag-ulan sa Malaysia sa katapusan ng taon na nangdudulot din ng mga pagguho ng lupa.

Sa kabila nito, walang naitalang malakas na pag-ulan sa Batang Kali bago ang landslide.

Nauna nang naghigpit ang pamahalaan sa pagtatayo ng istruktura sa gilid ng mga bundok at burol dahil sa dumaraming insidente ng pagguho ng lupa.

Noong Marso, apat ang nasawi sa malawakang landslide na nangyari sa isang bahagi ng Kuala Lumpur. RNT/JGC