8 PhilHealth execs sinuspinde ng Ombudsman sa P2.7B IRM

8 PhilHealth execs sinuspinde ng Ombudsman sa P2.7B IRM

October 28, 2020 @ 7:44 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Isinailalim sa preventive suspension ni Ombudsman Samuel Martires ang walong matataas na opisyal ng PhilHealth kaugnay ng P2.7 bilyong anomalya sa Internal Reimbursement Mechanism.

Kabilang sa mga sinuspinde sina PhilHealth Executive Vice President and Chief Operating Officer (COO) Arnel de Jesus, COO for Fund Management Sector Renato Limsiaco, Senior Vice President for Health Finance Policy Sector Dr. Israel Paragas at limang iba pa.

Sinabi ni Martires’ na nagkaroon ang mga ito ng  grave misconduct, gross neglect of duty and conduct prejudicial to the best interest of service batay na rin sa sumbong na isinampa ng National Bureau of Investigation.

Kailangan umanong suspendihin ang mga nasabing opisyal upang hindi nila magamit ang kanilang posisyon sa pagtatago o pagsira ng mga ebidensya o impluwensiyahan ang mga testigo. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...