8 Pinoy nasagip vs online job scam sa Cambodia

8 Pinoy nasagip vs online job scam sa Cambodia

February 26, 2023 @ 9:44 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasagip ng mga awtoridad ang walong Filipino na nabiktima ng mga online job scammer sa Cambodia.

Kasabay nito ay ligtas na napauwi ang mga ito pabalik ng bansa nitong Sabado, Pebrero 25.

Ayon sa ulat, sinabi ng isa sa mga biktima na inalok umano sila ng trabaho na maging sales agent o chat support jobs ngunit nang dumating sila sa Cambodia ay pinilit silang maging bahagi ng love scam.

Kung bigo naman na makapambiktima ang mga ito sa naturang scam, babawasan ang kanilang sweldo at pinagbantaan pa na sasaktan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), mayroon pang 30 Filipino ang kailangang masagip sa naturang bansa sa pakikipagtulungan sa Cambodian authorities. RNT/JGC