8 probinsya uulanin sa habagat ngayong Biyernes

8 probinsya uulanin sa habagat ngayong Biyernes

May 20, 2022 @ 6:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Makaapekto ang southwesterly surface windflow  sa western sections ng northern at central Luzon ngayong Biyernes, ayon sa PAGASA.

Ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Cagayan, Zambales, Bataan, Tarlac, at Pampanga ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng hanging habagat na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa bunsod ng katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorm na may posibleng flash flood o landslide sa panahon ng matinding pagkulog.

Sumikat ang araw ng 5:27 a.m., lulubog ito bandang 6:18 p.m. RNT