8 pulis patay, 20 sugatan sa wing van

8 pulis patay, 20 sugatan sa wing van

February 12, 2023 @ 4:39 PM 1 month ago


MISAMIS ORIENTAL- PATAY ang 8 pulis habang 20 ang sugatan kabilang ang driver ng wing van matapos sumalpok ang dalawang van na sinasakyan ng mga una, kahapon ng umaga sa bayan ng Naawan.

Dead-on-arrival sa ospital ang mga pulis na kinilalang sina 1.PSSg Michael C Ermac- Manticao Hospital

2. PSSg Reuyan Marjun- Initao Provincial Hospital

3. PSSg Jevilou CaƱeda- Initao Provincial Hospital

4. PSSg Eugene A Lagcao- Sanitarium Hospital, Iligan City

5. PSSg Aaron P Ticar- Manticao Hospital

6. PSSg Arnill M Manoop- Sanitarium Hospital, Iligan City

7. PSMS Eric Generalao – Initao Provincial Hospital

8. Abapo Anito (Ret. PSSg, Driver)- Manticao Hospital

Initial Injured: 20 (Confined- 13; Discharged- 7)

Adventist Medical Center, Iligan City

1. PSSg Jesson E. Pormento (Confined)

2. PSSg Jericho O. Tortogo- (Confined)

Iligan City Hospital

3. PSSg Peter Paul S. Llamera (Confined)

4. PSSg John S. Dominguez- Iligan City Hospital (discharged)

5. PSSg Ricky G. Hista- Iligan City Hospital (discharged)

6. PSSg Kirby P. Markinez- Iligan City Hospital (discharged)

7. PSSg Jovane T. Adorable- Iligan City Hospital (discharged)

8. PSSg Algefer D. Carpio- Iligan City Hospital (discharged)

9. PSSg Cristy S. Narisma- Iligan City Hospital (discharged)

10. PSSg Lloyd B. Tumangob- Iligan City Hospital (discharged)

Northern Mindanao Medical Center Cagayan de Oro City

11. PSSg Edwin Calavio- (Confined)

12. PSSg Kevin Ramos- (Confined)

13. PSSg Joel Lumacad- (Confined)

14. PSSg Jomar Maramara- (Confined)

15. PSSg Gerry Harry Ucaya- (Confined)

16. PSSg Mark Gil Macasero- (Confined)

17. PSSg Marvin Velasquez- (Confined)

18. PSSg Maute Mohammad – (Confined)

19. PSSg Archel Fuentes- (Confined)

Manticao Hospital

20. Benjamin Mudabpel (Wing Van Driver)- (Confined)

Sa report ng Naawan Municipal Police Station, dakong 9:25 AM ng maganap ang insidente sa Purok 11, Brgy. Poblacion, Naawan, Misamis Oriental.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ng dalawang hi-ace van ang mga pulis galing Cagayan de Oro City at patungong Ilagan City.

Habang nasa kabilang linya naman ang wing van ng bigla na lamang sumabog ang gulong sa harapan bahagi nito na minamaneho ni Mudabpel.

Nawalan ng kontrol sa manibela si Mudabpel dahilan para makasalpukan nito ang dalawang van ng mga pulis.

Sa lakas ng pagkakasalpok nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima na agad naman dinala sa ospital subalit sa daan pa lamang ay dineklra na rin patay ang walo sa mga pulis.

Patuloy naman inoobserbahan sa ospital ang iba pang biktima habang ang iba ay nakalabas na ng ospital .

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente at posibleng maharap sa kasong Multiple Homicide, Multiple Serious Physical Injuries, and Damage to Properties ang driver ng wing van./Mary Anne Sapico