8 sa 10 Pinoy mas gusto ng environment-friendly products – Pulse Asia

8 sa 10 Pinoy mas gusto ng environment-friendly products – Pulse Asia

February 27, 2023 @ 6:38 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Lumabas sa pag-aaral ng Pulse Asia na 83% ng mga Filipino ang mas gusto ng environment-friendly products at mga serbisyo mula sa mga brands na may environment-friendly operations.

Ang resulta ng survey na isinagawa mula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 1 ay kinomisyon ng Stratbase ADR Institute — na ipinakita ni Pulse Asia President Ronald Holmes sa forum noong Huwebes, Pebrero 23 kaugnay ng sustainable at strategic waste management.

“The message is clear: a sizable majority of Filipinos will support enterprises that have environment-friendly operations and products,” ani Holmes sa forum na inorganisa ng Stratbase ADR Institute, the Philippine Business for Environmental Stewardship (PBEST), at Climate Reality Project Philippines.

“The question now is whether industries or firms will be able to cater to this preference,” dagdag pa niya.

Ang mga partisipante ng survey ay tinanong ng “As a consumer, do you prefer to patronize products and/or services of brands or enterprises that you believe have environment-friendly operations or products?”

Habang hindi naman ipinaliwanag ang kahulugan ng “environment-friendly” lumabas sa resulta ang sentimyento ng mga Filipino kaugnay ng sustainability. RNT/JGC