8 sa 10 Pinoy nagsasabing violators ng health protocols ang may gawa ng COVID-19 spread sa Pinas

8 sa 10 Pinoy nagsasabing violators ng health protocols ang may gawa ng COVID-19 spread sa Pinas

May 29, 2021 @ 9:07 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Lumalabas sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) na 79 porsyento ng Pilipino ang naniniwala na ang mga lumalabag sa health protocols ang nagdudulot ng pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Habang nasa 11 porsyento naman ang sumisisi sa gobyerno dahil sa kakulangan sa paghahanda at 10 porsyento ang naniniwalang bagong COVID-19 variants ang nagdudulot ng pagkalat.

Sa survey na isinagawa mula Abril 28 hanggang Mayo 2, 2021 tinanong ang 1,200 respondents ng “In your opinion, which of the following do you think is the real cause of the current spread of COVID-19 in the Philippines?”

Sinabi pa ng SWS na bago ang naturang survey, sumipa ang COVID case noong Abril 3 sa 15,280. RNT/FGDC