8 sakay ng lumubog na motorbanca, nasagip ng PCG

8 sakay ng lumubog na motorbanca, nasagip ng PCG

February 25, 2023 @ 4:24 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Naisalba ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Sub-Station ang walong indibidwal na sakay ng isang motorbanca an lumubog sa karagatan ng Sito Paya, Barangay Alcoba, Magsaysay, Palawan.

Naglalayag ang motorbanca R-Joy sa baybaying sakop ng Guinlabog Island nang aksidenteng masira ang harapang kanang bahagi ng bangka dahilan para pasukin ng tubig.

Matapos matanggap ang ulat mula sa concerned citizen, agad na nagsagawa ng search and rescue operation ang PCG at sinasilsik ang nasabing katubigan.

Nang mamataan, iniligtas ng PCG ang tatlong pasahero at limang crew na kapwa nasa maayos na kondisyon.

Hinila rin ng PCG team ang motorbanca sa Port of Agutaya. Jocelyn Tabangcura-Domenden