8 self-antigen test kits, aprub na ng FDA

8 self-antigen test kits, aprub na ng FDA

March 16, 2022 @ 5:45 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Walong self-administered COVID-19 antigen test kits na ang naaprubahan ng Food and Drug Administration.

Ayon kay FDA Director General Oscar Gutierrez, dalawa rito ay gumagamit ng oral fluid or laway bilang specimen habang ang natitira ay sa pamamagitan ng nasal swab.

Kabilang sa mga gumagamit ng oral ay ang JusChek COVID-19 Antigen Rapid Test Cassette na gawa ng Hangzhou pero ipinamamahagi ng dalawang magkaibang kompanya.

“So posible po ‘yun, inaaprubahan po ng FDA na dalawa po ang distributor,” saad ni Gutierrez sa Talk to the People.

Samantala, ang Abbot’s Panbio COVID-19 Antigen Self-Test naman ay ipinamamahagi o inaangkat ng tatlong magkakaibang kompanya.

Kabilang pa sa mga inaprubahan ng FDA ay ang Labnovation’s SARS-CoV-2 Antigen Rapid Test kits, Getein’s One Step at SD’s SARS-CoV-2 Self-test.

Muli naman nagpaalala ang Department of Health na ang mga self-test kits ay inirerekomenda lamang gamitin ng mga indibidwal na mayroong sintomas sa loob ng pitong araw o pagkatapos na maramdaman ang mga sintomas ng COVID-19. RNT/ JCM