8 sugatan sa ‘di nahugot na charger

8 sugatan sa ‘di nahugot na charger

December 10, 2022 @ 4:32 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Walong katao ang sugatan sa nasunog na pagawaan ng straw sa Caloocan City Sabado ng umaga, Disyembre 10, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Dagdag ng BFP, ang mga sugatan ay mga manggagawa ng Sunshine Wealth sa Tandang Sora St., Brgy. 136, Bagong Barrio, Caloocan. Inaalam pa ang kanilang mga pangalan.

Ayon sa nakalap na impormasyon, nag-ugat ang sunog sa isang kuwartong tinutuluyan ng mga trabahador, kung saan isang charger ang iniwang nakasaksak sa outlet ng kuryente.

Nagsimula ang sunog bandang alas-9 ng umaga at idineklarang under control pagsapit ng alas-10:18 ng umaga bago tuluyang naapula kaninang alas-10:37 ng umaga.

Aabot sa P15 milyon ang naging pinsala sa ari-arian ng sunog. Merly Iral