8 tigok, 18 sugatan sa pagbomba sa Myanmar prison

8 tigok, 18 sugatan sa pagbomba sa Myanmar prison

October 19, 2022 @ 7:33 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hindi bababa sa dalawang bomba ang sumabog sa labas ng Insein Prison sa Yangon ng Myanmar ntiong Miyerkules.

Walo ang nasawi, damay ang isang paslit, habang nasa 18 ang sugatan sa pagsabog na yumanig sa commercial hub.

Kasama sa nasawi ang tatlong bilanggo at isang 10-anyos na babaeng paslit.

Tinamaan ng mga bomba ang maraming tao na nakapila para bumisita sa mga bilanggo, ayon sa isang junta information team.

Sinisi naman ng junta sa mga “terorista” ang nasabing pagbobomba.

Idinagdag nito na ang mga pwersang panseguridad ay nag-defuse ng isa pang “homemade mine” na aparato na matatagpuan sa malapit. RNT