8 timbog sa P37.8M shabu sa 2 araw na buy-bust

8 timbog sa P37.8M shabu sa 2 araw na buy-bust

October 9, 2021 @ 11:45 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Arestado ang walong drug suspek sa dalawang araw na isinagawang buy-bust ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Southern Police District.

Nasabat naman dito ang nasa P37.8 milyong halaga ng shabu.

Sa ulat, naaresto ang 56-anyos na lalaki sa Col. Santos Street, Barangay South Cembo, Makati na nakuhanan ng P32,600 shabu.

Huli rin ang 32-anyos na lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA National Capital Region sa Lombos Ave., Barangay San Isidro kung saan nasa P34 milyong shabu ang narekober.

Samantala, tiklo rin ang dalawa pa sa Daang Hari sa Barangay Ayala Alabang kung saan P3.4 milyong shabu ang nakulimbat.

Gayundin ay timbog ang apat pang lalaki sa Rosales St. sa Barangay Sta. Ana. na may kabuuang P357,000 shabu.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •