8 todas sa araro ng trak

8 todas sa araro ng trak

August 2, 2022 @ 9:48 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Hindi bababa sa walong indibidwal, kabilang ang isang sanggol, sa mga nasawi matapos araruhin ng truck ang isang sport utility vehicle (SUV) at motorsiklo sa Nasugbu, Batangas, ayon sa ulat nitong Lunes.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, patungo ang truck sa Nasugbu bandang alas-5 ng umaga, nang pagkarating sa  Barangay Aga, sinubukan umano ng driver na mag-overtake at pumalya ang brakes.

Bumangga ang sa mga nagtitinda ng prutas sa gilid ng kalsada, bago tumama sa SUV at motorsiklo sa kabilang bahagi ng daan.

Dahil sa tindi ng kolisyon, bumaligtad ang at natabunan ang mga biktima ng karga nitong buhangin.

Nakaligtas ang driver ng truck at kanyang kasama sa insidente.

Kasalukuyang hawak ng pulisya ang driver at mahaharap sa kaso.

Sa kasalukuyan ay wala pa siyang pahayag ukol sa pangyayari. RNT/SA