8 volcanic quakes naitala sa Bulkang Kanlaon

8 volcanic quakes naitala sa Bulkang Kanlaon

November 23, 2022 @ 6:55 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Muling nag-alboroto ang bulkang Kanlaon matapos makapagtala ng walong (8) pagyanig sa paligid nito sa nakalipas na 24 oras iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs bukod sa pagyanig ay nakataas pa rin sa alert level 1 ang paligid ng bulkang Kanlaon.

Sinabi pa sa ahensya na may bahagyang pamamaga ang bulkan bunsod ng pag-aalboroto nito.

Kaugnay nito, sinabi pa ng Phivolcs na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong (4km) radius Permanent Danger Zone o PDZ.

Ipinagbabawal din anila ang pagpapalipad ng anumang uri ng aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog.

Ang bulkang Kanlaon ay itinuturing na aktibong bulkan dahil sa mga nakalipas na pag-aalboroto nito na matatagpuan sa lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental. Santi Celario